Live.Love.Lenna

Sabado, Marso 31, 2012

Just Dance


I never had a chance to be a chearleader. Do I wanna be cheerleader? Yes. I didn't have a chance to become one not because I have stage fright. I totally don't have that. I just really don't have the talent. Usually, I am confident, but NOT ever in dancing. I love dancing and when I am alone, I think I am the best dancer that ever lived on earth. I dance myself to the beat whenever I hear music, be it rock and roll, wild, mellow or even when there is no music at all. But how unfair life could be. Why did my parents kept inside the house when God was giving away dancing skills.

 I want to dance in front of a crowd. I am just too scared of how I would look like when I do. My body is off-beat just as my voice is off-pitch when I sing. I can still clearly remember Grade 6 when a friend of mine ask me to be one of her back-up dancers. She joined Little Miss SVES and asked me to dance with her for the talent portion. I didn't want to disappoint her, I wanted to say "No, I am a terrible dancer or I am not really a dancer for that matter" but I still said yes because I knew she'd never ask me to become one of her back-ups unless she needed it badly. Every afternnon after class we would practice the dance. I loved the feeling of moving my body to the beat but I can't take off my head from thinking how awkward my movements were. I couldn't follow the steps. I can do them slowly with the counts but I just couldn't synch in with the music. This was the very first moment that I proved myself that I am not really destined to be a dancer. I knew that moment that my friend's talent presentation was doomed. Good thing, I got myself out, I could't remember what happened exactly but one sure thing was I saved myself from dancing in front of the school.

First year high school came. One of the topics in my PE class was cheerdancing. Of course, there was the high school mantra of group yourselves together and create your own cheerdancing routines. I hope it was just that easy. My groupmates and I should pratice and choreograph our own routines (I swear, I was not included in the choreography committe. As far as I can remember, Charmina, Thee and Khaye had that gift.) Well, to cut the story short, I successfully survived the practice. But that was not the whole story. Undoubtedly, we should present the dance to our PE teacher and the whole class. The whole class - meaning my crush (well, that's Gatch, of course) was there because he was my classmate. It was so shameful. I just wanted to sing "I did it..  my way" and be killed by a shotgun that very moment.

Preso


This school year had not been the best school year that I planned, or at least, imagined. First off, I thought this would be my last school year in the university as an undergraduate student. For the past four years, I have been telling myself that I should, at the very least, graduate on time given that my academic grades are not that outstanding. But I guess,God has really mysterious ways of teaching us lessons.

Since high school, I had not been the Lenna that almost everybody perceives me to be. The outside Lenna that people are seeing is the Lenna who is a model student, strives for the best and have a great passion for learning. I want to believe that the Lenna they are seeing is the real me, but I cannot view myself that way in any perspective that I can think of. I am the Lenna who settles for mediocrity.

Way back high school, I knew I can be the class valedictorian. Modesty aside, I am really smart - perhaps, the smartest of my batch. If only I gave 100% effort to every assignments, projects, exams and other requirements expected of me and gave good impressions to each of my teachers, I know I could do it. Not to mention, I was the topnotcher in the entrance exams and the only one to pass UPCAT. BUT THAT IS EXACTLY MY PROBLEM. I let myself to be contented to the things that I do without reflecting to the things that I can actually do. And then when time comes, I would look back, evaluate myself, just like what I am doing now, and say, "I have wasted so much time, I could be the best." But who knew that right! Noone can say that, not even me because I did not try hard to achieve the things that I want. I cannot blame anybody but myself for not being brave to fight the spirit of mediocrity living inside me. I know I am brilliant, I can do great things, I can be the best , but these things remained just as thoughts in my mind - I did not allow myself to actuallize these thoughts. I remained forever thinking because I did not exert actions during the times that I can. I let this side of myself be a prisoner of the person that I created.

College is a dejavu of my high school. I'm not saying that I can also be the class valedictorian. It's just that the same old high school me took into action. Perhaps, I wasn't able to graduate on time because there is still something that I need to discover about myself. I need to reinvent myself. Find a way to beat the power of mediocrity that is slowly killing my standard. I am not mediocre, I just let mediocrity and indolence defeat the excellence that is naturally inherent in me. Honor and Excellence. That would be my mantra in this coming semester.

SINO ANG KAUSAP NI RIZAL


Ang pagsasalita ng walang sapat na batis at basehan ay hindi lamang kapalaluan o kapangahasan kundi kamangmangan. Pagkatapos kong basahin ang ilan sa mga akda at mga liham ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, nabago ang aking oryentasyon sa pagkakakilala sa kanya. Hindi nabago sa paraang mula sa pangit na imahe ay naging maganda ang pagtingin ko sa kanya. Noon pa man ay may respeto na ako kay Dr. Rizal ngunit ang pagbabasa ng kanyang mga akda ay nagpalawak sa angulong tinitingnan ko sa kanyang pagiging pambansang bayani. Sa lahat ng kanyang mga akda, ang Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino, ang pinakatumatatak sa akin.

Ang Isang Bayani ay may Pagpapahalaga sa Mayamang Nakaraan

Sa akdang ito, nagpakita si Rizal ng kaunting kasaysayan ng Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol. Saludo ako kay Rizal sa pagsusulat ng artikulo na may sapat na basehan at batis. Saludo ako sa kanya dahil naglaan siya ng panahon upang maihayag ang pamumuhay ng ating mga ninuno bago dumating at noong kadarating pa lamang ng mga Kastila. Inalis ng mga Espanyol ang mayamang kultura at pamumuhay natin sa isipan ng ating mga ninuno ngunit ang akdang ito ay hinahayaan tayong sumilip sa produktibong nakaraan ng ating mga ninuno. Ang karaniwang bayani ay nakikipaglaban sa kalayaan at kapakanan ng kanyang bansa, si Rizal naman ay sinisigurong ang mayamang pinagmulan ng ating bansa ay hindi makalimutan ng susunod na henerasyon sakaling makamtan muli ang kalayaan.
Napatunayan ko na ang bansag na pambansang bayani kay Dr. Rizal ay hindi lamang dahil sa kanyang pagkamatay para sa bansa kundi dahil nabuhay rin siya para sa bansa. Ang pagsulat ng ganitong mga akda ay isang magandang pamana sa mga susunod na henerasyon. Hindi na ako nagtataka na siya ang pinakapipitagang bayani dahil ang kanyang mga akda ay hindi lamang nagpapasaring sa gobyerno ng Espanya, kundi pati na rin, nag-aangat ito sa pagpapahalaga sa ating mga sarili− pagpapahalagang hindi galing sa puri ng mga tagalabas kundi mula sa ating sariling kasaysayan. Maganda itong basahin ng kabataan lalo na ngayong karamihan ay iwinawaksi ang kanilang Pilipinong identidad.

Balanseng pagsusulat

Inilahad ni Rizal ang mga sanhi ng pagiging tamad ng mga Pilipino; ang karamihan sa mga sanhi at dahilan na ito ay ibinibigay ang sisi sa ating mga mananakop. Magkagayunman, sa bandang huli ng kanyang akda ay binanggit niya pa rin na may kasalanan pa rin tayo sa paglaganap ng katamaran. Hindi nilimita ni Rizal ang sisi sa mga Epanyol upang gawing kampante ang mga Pilipino na walang silang ginagawang masama. Habang iminumulat niya ang mga Pilipino sa mga kasamaan ng mga Espanyol na nagdulot ng katamaran, hindi pa rin niya nalimutang banggitin ang kontribusyon ng mga Pilipino sa pagpapanatili ng ganitong sistema ng lipunan. Hindi siya one-sided kumbaga.

Bakit HINDI TAGALOG?

Isang mahalagang konsiderasyon sa pagsusulat ng akda ay ang mga mambabasa nito. Sa kapanahunan ni Rizal, kakaunti lamang ang ang nakakaintindi at nakakabasa ng wikang Espanyol. Ang karamihan ng akda ni Rizal ay orihinal niyang isinulat sa banyagang wikang ito. Dahil dito lumalabo ang pagbasa ko sa akda niyang Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino. Marahil ay isinulat niya ang akdang ito upang sagutin ang mga pangungutya ng mga Kastila sa mga Pilipino tungkol sa katamaran ng mga ito. Naiintindihan ko na hirap si Dr. Rizal sa pagta-Tagalog ngunit ang liham na ginawa niya para sa kadalagahan ng Malolos ay pinilit niyang isulat sa Tagalog. Ginawa niya marahil ito upang siguraduhing maiintindihan siya ng kadalagahan sa Malolos. Ang Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino, sa palagay ko, ay isang paglaban sa paratang na ibinabato ng mga Espanyol. Sa paggamit niya ng wikang hindi naman laganap na naiintindihan ng mga Pilipino noong panahong iyon, maaaring masabi na hindi nakaukol ang akda upang mabasa ng madlang Pilipino.

Hindi natin malalaman ang katotohanan, ang kaya lang nating gawin ay basahin at magbigay ng mga interpretasyon sa kanyang mga ginawa. Tama man o mali, akma man o hindi ang kanyang mga ibinahaging pananaw sa kanyang mga akda, ang pinakamahalaga ay basahin natin ang mga ito ng mayroong bukas na isip. Gamitin, baguhin, pagyabungin ang kanyang mga ideya para sa ikauunlad at muling pagbangon natin.


Sino nga ba Si Rizal?

:  Isang Pag-aanalisa sa Pagkabayani ni Jose Rizal 


Si Jose Rizal, ang pambansang Bayani ng Pilipinas. Si Jose Rizal na nagmulat sa kamalayan ng mga Pilipino laban sa mga Español. Si Jose Rizal na nagpaalab sa damdaming makabansa ng mga Pilipino. Si Jose Rizal na isang napakatalinong Pilipino. Si Jose Rizal na “idol” ng mga Katipunero.

Ilan lamang iyan sa mga namulatan kong katangian ni Dr. Jose Rizal. Ang mga iyan ang itinatak sa aking isipan, una ng aking pamilya, sumunod ang paaralan at ng lumaon ay ang buong lipunan. Kilala si Rizal ng bawat Pilipino maging sa mumunting edad pa lamang dahil sa piso kung saan nakatatak ang kanyang pangalan at mukha. Ang mga nabanggit sa taas ay ang pagkakakilala rin ng mga ordinaryong Pilipino kay Rizal. Ngunit mayroon pa ring isang matunog na pangalan ang tumatak sa aking murang isipan- si Andres Bonifacio. Bukod sa pagpapakilala kung sino ang pambansang bayani, ipinakilala rin sa akin ng aking ama kung sino raw ang nararapat na may hawak ng titulong iyon. Bata pa lamang ako ay iniukit na ng aking ama sa aking isipan na si Andres Bonifacio ang nararapat na maging pambansang bayani dahil siya ang namuno ng rebolusyon sa Pilipinas at dahil siya ay namatay sa kalagitnaan ng pakikipaglaban para sa kalayaan.

Ang akdang Veneration without Understanding ni Renato Constantino ay nagpalalim pa ng aking aprisasyon sa pagkabayani ni Bonifacio. Inilahad ng artikulo ang mga patunay na hindi nararapat si Rizal sa titulo ng pagiging pambansang bayani.  Sa tuwing napag-uusapan ang kabayanihan ni Rizal, lagi kong naisip kung bakit nga ba hindi siya sang-ayon sa madugong rebolusyon. Sa aking napanood na pelikulang Jose Rizal na pinagbidahan ni Cesar Montano, ang kanyang pagpapaliwanag kung bakit siya ay hindi pabor dito ay hindi pa tamang panahon. Lumayo pa ang aking pag-iisip, kung hindi siya namatay kaagad, ano kaya ang tamang panahon na hinhangad ni Rizal? Ano kaya ang kanyang indikasyon na magsasaad na panahon na ng rebolusyon? Tunay nga bang may hinihintay siyang tamang panahon? o sadyang naruruwag lamang siya dahil maaaring ang lider ng rebolusyon ang kilalaning pambansang bayani at hindi siya? Naruruwag ba siya na baka pagkatapos ng lahat ng kanyang pinaghirapan upang makamit ang inaasam na parangal bilang pinakadakilang bayani ng bansa ay iba lamang ang makinabang nito- hindi siya kundi ang lider ng rebolusyon?

Malaki ang kontribusyon ni Rizal sa pagpapamulat sa kamalayan ng Pilipino ukol sa opresyon na ginagawa ng mga Español maging sa pagpapaalab ng ating damdaming nasyonalista sa pamamagitan ng kanyang mga obrang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, at iba pang mga akda. Marahil isa ito sa malalaking mga basehan sa pagturing kay Rizal bilang pambansang bayani. Kaugnay nito, isang malaking rebelasyon sa akin ang inilahad ni Constantino sa kanyang akda na ang mga Amerikano pala ang nagsuhestyo sa kanyang pagiging pambansang bayani. Sumasang-ayon ako kay Constantino na ang pambansang bayani ay yaong mga taong nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa at naging aktibo sa rebolusyong nasyonal. Ito ang isa pang nagpapagulo sa pagkakakilala ko kay Rizal. Kung tunay niyang mahal ang Pilipinas at ang mga Pilipino, bakit hindi kalayaan ang hinihingi niyang pagbabago mula sa España? Hindi ba’t kung mahal mo ang isang bagay ay hindi mo ito hahayaang maagaw, maapakan at maapi ng kahit sinuman; at kung nakikita mong nasasadlak ito sa kahirapan at pang-aapi ay itutulak mo papalayo ang mga taong nagdudulot ng pighati dito. Ang nilayon ni Rizal ay maging pantay ang mga Pilipino at mga Español- hindi mismong independyente mula sa kanila. Sa kanyang nobelang El Filibusterismo, nakikita ko si Rizal sa karakter na si Basilio. Si Basilio na isang binatilyong Pilipino na nais magkaroon ng paaralan para sa kapwa niya Pilipino; paaralan na kung saan makakapag-aral sila ng Wikang Kastila. Ang paaralang ito ang magpapantay sa kanila sa mga Español.

Nabanggit rin ni Constantino na upang maisalba ni Rizal ang kanyang pangalan mula sa pagkakadawit sa Katipunan ay nagsilbi siya sa Cuba para sa serbisyo sa España. Kung nabubuhay si Rizal, ano kaya ang kanyang magiging paliwanag dito? Sa El Fili, ang bidang tauhan na si Simoun ay nagsilbi para sa Gobernador-Heneral at pailalim nitong sinisira ang imahe ng pamahalaan upang magsiklab ang damdaming makabansa ng mga Pilipino. Hindi ko maisip ang pagkakaugnay ang karakter ni Simoun sa ginawang pagsalba ni Rizal sa kanyang pangalan. Ngunit marami pang katanungan ang pumailanlang sa akin mula sa pagbasa ng karakter ni Simoun. Maaari kayang ang matapang na pagharap ni Rizal sa kamatayan sa kamay ng mga Español ay paraan niya upang pasiklabin ang damdaming makabansa? At isa rin kaya ito sa mga paraan niya upang makamit ang pagiging Pambansang Bayani?

Ang pagtatalaga kay Rizal bilang pambansang bayani ay wala sa aking pagpapasya. Ang pagtatalaga ng ating Pambansang Bayani, kahit sinuman ito, ay nakasalalay sa opinion ng nakararaming Pilipino. Nawa nga lang ang opinyong ito ay base sa masusing pag-aanalisa at pagkilala sa taong pinag-aalayan natin ng karangalan. Naniniwala ako na ang Pamansang Bayani ay isang taong totoo sa kanyang bansa at sa mga salitang kanyang binibitawan. Ang pagiging Bayani ni Rizal ay wala sa aking paghuhusga- ito ay aayon sa taong bumabasa sa kanya at sa kanyang mga nagawa.



Sino nga ba ang mga Pilipino


Bago natin hangarin ang pagkakakilanlan natin sa buong mundo. Linisin muna natin ang bakuran ng Pilipinas. Alamin muna natin ang katangian ng isang Pilipinong nararapat ipagmalaki. At nang sa gayon ay maisabuhay natin DITO at/o PARA SA ATING BANSA ang mga katangian na iyon. Kapag nagawa na natin iyon, saka pa lang tayo magkakaroon ng karapatan na dalhin ang pangalan ng ating Inang Bayan, ang PILIPINAS.

Kahapon


Ikaw na naman ang nasa isip ko
Pinasok mo yata ang utak ko
At doon idinikit ang pangalan mo

Kahapon nag-iba ang kulay ng langit
Bughaw pa rin ito ngunit masmasayang bughaw
Kahapon parang lumawak ang mundo
Wala kasing laman ito kundi- ikaw at ako

Buong araw magkahawak ang kamay natin
Buong araw tayo sabay na naglalakad
Buong araw tayo puro lang hagikhikan

Kasama lang kita kahapon
Pero gusto ko na ulit kasama ka ngayon

Kailan kaya mauulit yung kahapon
Nananabik na ako sa araw na yon
Kung hindi na mauulit, ang hiling ko lang
Sana, sana'y gising ako KAHAPON.

Buhay


Kapag bukas nawala ka na sa mundo, patuloy pa rin namang iikot ang mundo. kahit ano pang tingin mo sa sarili mo, hindi iyan ang eksaktong pagtingin sayo ng ibang tao. Huwag ka maging kampante sa kagalingan mo, huwag kang maging mayabang sa kaalaman mo, dahil, panigurado, may taong higit sa kung anuman ang kakayahan mo.

Ang pagtanggap ng kahinaan ay kulang pa rin kung hindi ka naman gumagawa ng paraan upang ito ay maging kalakasan mo rin. Huwag mong panghawakan ang kung anong mayroon ka lang ngayon, sikapin mong abutin ang bagay na magbibigay sayo ng lubos na kasiyahan. Maaari mong gawin ang kahit ano upang makamtan ito. Maaari kang mang-apak ng ibang tao, siguraduhin mo lamang na hindi mo pagsisisihan ito. Sadyang ganyan ang buhay, hindi mo maiiwasang makasakit ng tao, sinasadya mo man o hindi. Ganyan ang buhay. Malupit. Ang isipin mo lamang ay makakatulong ka rin naman sa pagpapatibay ng kalooban ng taong iyong sinaktan.

Ang pagsisisi sa mga bagay na iyong ginawa ay karuwagan. Kailangan mong tanggapin kung anupaman ang iyong nagawa, mabuti man o masama, upang maging handa sa susunod na pagdedesisyong gagawin mo. Hindi ka makakakuha ng aral sa mga ito kung patuloy ka lamang magsisisi. Kailangan mong pag-isipan at pagnilayan ang nakaraan ngbunit hindi para magsisisi kundi para pagaralan ang mga ito. Bumabalik ka sa nakaraan upang tanawin ang mga pagkakamali upang mapag-aralan ang mga ito. Bumabalik ka sa nakaraan upang silayan muli ang iyong mga pagpupunyagi at pagyabungin pa ang mga ito.

Bumangon ka kung ikaw ay nadapa. Bumangon ka ng may dignidad. Bumangon ka upang ibalik ang puring nawala sayo nang ikaw ay nadapa. Ngunit ang paghihiganti ay huwag mong kailanman gamiting dahilan ng iyong pagbangon. ang pagsasayang ng oras upang maghiganti sa mga taong nanakit sayo ay isang paraan lamang upang isadlak muli ang iyong sarili sa putikan na pinagdalhan nila sayo. Huwag mo kailanman itulad ang sarili mo sa ganoong klase ng tao. Wala kang mapapala. Lalo ka lamang malulugmok sa iyong pagkakadapa- ikaw kasama ang iyong dangal.

Ikaw ay Waring Anino sa Aking Madidilim na Gabi


Ikaw ay waring anino sa aking madidilim na gabi
Dumadating kapag ang lahat ay para nang mali
Tangi kang kasamang maghintay sa pagsikat ng araw
Kasabay kang naghihintay sa bukang-liwayway

Ngunit isa ka ring along papalapit ng papalapit
Ngunit kailanman ay di ka naman maaangkin
At sa isang saglit, mawawala ka ulit sa paningin
Lalapit kang muli upang ako lamang ay pasabikin

Paulit-ulit na ikaw ay pabalik-balik
Paulit-ulit rin namang ikaw ay nawawaglit
Sana ang araw-araw ay maging gabi na lang
Upang ikaw ay maging akin na habangbuhay

Para sa Isang Kaibigan



Sa mga araw na magkasama kami. Hindi ko naisip na magkakahiwalay kami ng tatahaking landas. Ngunit gayunpaman, masaya ako na nakasama ko siya sa simula ng daan. Patuloy kong babalikan ang mga yapak ng aming paa sa daan na iyon. Ngunit hindi ako manghihinayang habang tinitingnan ang mga ito. Dahil alam ko na ang may-ari ng yapak na kasama ng sa akin ay isang matapang na tao na hindi sumuko nang agaran. Taong hindi nagpapapigil sa kanyang mga pag-aalinlangan. Taong tinanggap pa rin ang hamon kahit na sa simula pa lang ay mayroon na siyang pinangangambahan.

Ngunit sadyang may pagakataon sa buhay na kailangang sumuko at sundin ang tunay mong hangad. Humahanga ako sa taong may-ari ng mga papalayong yapak na iyon. Alam kong kahit sa ngayon ay tumatahak ng ibang landas ang kanyang mga yapak, hindi pa rin mawawala ang taling sabay naming hinawakan. Iyan ang taling mag-uugnay pa rin sa aming dalawa at gagawa ng paraan upang sa tamang panahon ay magkasama muli kaming maglakad.




PAGOD


Gusto mong sumigaw pero wala kang sapat na enerhiya para gawin pa yon. Gusto mong magsalita ng magsalita para sabihin ang nararamdaman mo. Gusto mong gumawa ng bagay na naiiba sa araw-araw mong ginagawa. Sawang-sawa na sa paulit ulit na ikot ng isang araw.

Madaling masolusyunan ang pagod ng katawan. Kaunting oras ng pahinga lamang ay ayus na ulit at handa ng humarap sa panibagong nakakapagod na araw. Ngunit ang pagkapagod ng isipan dulot ng pagkabagot sa paulit-ulit na ritwal ng araw-araw ay ibang usapan.

Freedom Park


Paglabas pa lang ng dorm, isang malaking freedom park na agad ang bubungad sa'yo, tila ito ang isang bagay na nagsisimbolo ng oportunidad, kaalaman at makabuluhang karanasan na umaakap sa'yo habang nasa unibersidad.

Kapag stressed na stressed ako pagkatapos maglakad mula sa EE Audi pauwing dorm, Freedom park ang nagpapaalala sa akin na maraming bagay ang dapat na ikatuwa. Sa freedom park, marami kang makikitang mga taong nag-iibigan, mga pamilya na masayang naglalaro at nagpapalitan ng halakhakan, mga soccer player na hindi tumitigil sa pag-eensayo kahit na minsan ay umuulan, at SIYEMPRE, minsan nandiyan din ang astig at crush kong Prof na naglalaro ng freesbie (sshhhh, wag kang maingay).

Maraming dapat ipagpasalamat sa buhay. Kahit gaanong kalaki at karami ang problema, siguradong masmaraming bilang ang mga biyaya na nakapaligid sa atin, kailangan lang talaga nating lumingon-lingon. Salamat sa Freedom park at sa pagpapaalala nito na ang buhay ay maganda.

Para sa Taong Dahilan ng Pagsulat ko ng Tula


Sa tuwing magtatagpo ang landas
Pag-ibig ang sa puso ko ay umuutas
Umiilaw ang awra sa aking paningin
At tanging matatamis lang ang nais sambitin

Nagiging makata sa pagsasalita
Minsan ay nakakagawa pa nga ng tula
Dumaan pa ang mga araw ng pagkikita
Lalong tumingkad ang 'yong kulay sa aking mata

Nais kong manatili ang pakiramdam ng pagkamakata-
Panooring sumayaw ang hanging sadyang kaaya-aya
Tumalon mula sa buwan at mahulog sa'yong mga kamay

Ngunit kailangan ng wakas- kahit sa pinakamagagandang bagay

Nang tumalon mula sa buwan,
Kamay mo'y may ibang kaagapay
Nagising sa malalim na pagkakahimbing
na ang hangin ay hindi magpapakita sa akin

Para sa taong dahilan ng pagsulat ng mga tula
Maaari bang umalis ka na
at kunin ang pagiging makata?

Pilipinas, Malaya?


Humarap sa salamin
Nakita ang babaeng may takot sa mata
May ngiting hindi mawari
Kung ang ibig sabihin ba’y saya
o pighating hindi masambit ng mga salita

“Nasaan na ang mga kasama ko noon,
Isa ka rin ba sa kanilang tumalikod sa hamon?
Hanggang ngayon ba ay bihag ka ng mga taga-labas?
Patuloy na lumuluhod upang hindi mahampas?”

Kumunot ang aking noo at ako’y nagsalita na,
“Patawad binibini ngunit hindi ko mawata
ang nais iparating ng iyong mga salita?”

“Ang ipinaglalaban noon ay magkaroon ng kalayaan
mahawakan ang lupang sadyang atin naman
..magkaroon ng sariling saysay
..gumawa ng sariling kasaysayan
matagal na itong ipnaglalaban
ngunit bakit hindi pa rin nakakamtan?”

“Binibini, ikaw ay nagkakamali,
ang pagkuha ng kalayaan ay hindi naging sawi
ang bayan ay atin nang muli
malaya na tayong nakakapagsalita
nakakakilos na ng hindi nangangamba
kung taliwas ba sa kautusan ng mga banyaga”

“Binubulag ka ng iyong kabataan!
Anong kalayaan ang mayroon ka
kung ang ginagamit mong wika
sa pagpapahayag ay salita mismo ng mga banyaga
Anong kalayaan ang mayroon ka
kung ang mga gawi ay nakalapat
sa kulturang hindi dito nagsimula”

“..ang kalayaan ay wala sa iyo.
At pilit mo itong tinatapon
Pilit itong iwinawaksi
Ang kalayaan ay hindi lubusan
Lalo kung hindi mo kikilalanin
mga pag-aari ng iyong bayan”

Malaya nga ba?


Malaya kang makatalon sa iyong kinalalagyan
Ngunit hindi sa nais mong mapuntahan

Malaya kang kumain, ngunit hindi ng lahat ng iyong naisin
Hindi rin sa kahit anong oras mo gustuhin

Malaya kang magsalita
Ngunit hindi ng lahat ng nais mong masawata

Malaya kang umibig kahit kaninuman
ngunit minsan, hindi ka malayang magparamdam