Humarap
sa salamin
Nakita
ang babaeng may takot sa mata
May
ngiting hindi mawari
Kung
ang ibig sabihin ba’y saya
o
pighating hindi masambit ng mga salita
“Nasaan
na ang mga kasama ko noon,
Isa
ka rin ba sa kanilang tumalikod sa hamon?
Hanggang
ngayon ba ay bihag ka ng mga taga-labas?
Patuloy
na lumuluhod upang hindi mahampas?”
Kumunot
ang aking noo at ako’y nagsalita na,
“Patawad
binibini ngunit hindi ko mawata
ang
nais iparating ng iyong mga salita?”
“Ang
ipinaglalaban noon ay magkaroon ng kalayaan
mahawakan
ang lupang sadyang atin naman
..magkaroon
ng sariling saysay
..gumawa
ng sariling kasaysayan
matagal
na itong ipnaglalaban
ngunit
bakit hindi pa rin nakakamtan?”
“Binibini,
ikaw ay nagkakamali,
ang
pagkuha ng kalayaan ay hindi naging sawi
ang
bayan ay atin nang muli
malaya
na tayong nakakapagsalita
nakakakilos
na ng hindi nangangamba
kung
taliwas ba sa kautusan ng mga banyaga”
“Binubulag
ka ng iyong kabataan!
Anong
kalayaan ang mayroon ka
kung
ang ginagamit mong wika
sa
pagpapahayag ay salita mismo ng mga banyaga
Anong
kalayaan ang mayroon ka
kung
ang mga gawi ay nakalapat
sa
kulturang hindi dito nagsimula”
“..ang
kalayaan ay wala sa iyo.
At
pilit mo itong tinatapon
Pilit
itong iwinawaksi
Ang
kalayaan ay hindi lubusan
Lalo
kung hindi mo kikilalanin
mga
pag-aari ng iyong bayan”
Ang kalayan ng isang bansa, sa aking pananaw, ay hindi nasusukat kailan man. Maging ang mga bansang kanluran na nagsasabing pugad ng kalayaan ay bihag din naman. Mahirap patirin ang tanikala ng nakaraan na siyang pumipigil sa malayang pag-usad ng tunay na kalayaan. Hangga't ang ating bansa ay bihag ng iisang mundong ating ginagalawan, tunay n kalayaan mahirap makamtan.
TumugonBurahin